Training Induction Program (TIP), matagumpay na idinaos para sa programang Trainers Methodology Level 1 (TM1).

Nitong araw lang, ika-limang araw ng Hunyo ngayong taon. Ang Training Induction Pogram (TIP) ay matagumpay na idinaos sa Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC).

Ang mga magsasanay ay inorient sa pangunguna ni CCMDC Scholarship Focal na si Ma’am Norhiyya Abdula, kasama din ang mga TM Facilitators na si Sir Joevanie Tabudlo at Sir Macmod A. Hadji Ali.

Nakatuon ang orientation sa programa ng pagsasanay, sa mga benepisyo nito, at sa kanilang mga responsibilidad bilang isang benepisyaryo.

May kabuuang dalawampung (20) iskolar sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) ang dumalo sa Training Induction Program ng Trainers Methodology Level 1 (TM1).

Ang layunin ng Training Induction Program na ito ay ipaalam sa mga iskolar ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay sa pagbibigay ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.

#GanapsaCCMDC

#TMLEVEL1

#TIP

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *