Training Induction Program (TIP), matagumpay na idinaos para sa unang grupo ngayong taon ng programang Trainers Methodology Level 1 (TM1).
Nitong araw lang, ika-anim na araw ng Pebrero, ngayong taon. Ang Training Induction Program (TIP) ay matagumpay na idinaos sa Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC). Ang nasabing TIP ay isinagawa ng Cotabato City District Office (CCDO).
Ang mga magsasanay ay inorient sa pangunguna ng kanilang CCDO District Head Sir Kalimpo M. Alim, Scholarship Focal na si Maam Sittie Rahima Puntuan. UTPRAS Focal Maam Noraya Andong, CAC Focal Sir Nasrudin Kusain, at iba pang kawani na si Sir Esrail R. Mohammad. Nakatuon ang orientation sa programa ng pagsasanay, sa mga benepisyo nito, at sa kanilang mga responsibilidad bilang isang benepisyaryo.
May kabuuang dalawampung (20) iskolar sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) ang dumalo sa Training Induction Program ng Trainers Methodology Level 1 (TM1).
Ang layunin ng Training Induction Program na ito ay ipaalam sa mga iskolar ang kahalagahan ng programa sa pagsasanay sa pagbibigay ng mga oportunidad at kasanayang mahalaga para sa trabaho.