Trainining Induction Program isinagawa sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi
Isinagawa ang Training Induction Program sa dalawang eskwelahan kaninang umaga na ginanap mismo sa paaralan ng RAMD Institute of Technology, Inc. at REALM Technical Services Training Center nitong April 12, 2023 sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi.
Ang mga ito ay magsasanay sa kwalipikasyon ng 2 batches sa Organic Agriculture Production NC II at kasama rin ang 25 MNLF trainees naman sa kwalipikasyon ng Agricultural Crops Production NC II.
Kabilang sa BSPTVET TTPB Scholarship package ang libreng training, assessment, VTT at Training Support Fund pagkatapos ng training.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng Technical Vocational Institute Administrators, trainers,VTT teachers at mga Staff ng MBHTE-TESD PO.
Sila’y nagpapasalamat sa MBHTE TESD dahil nabigyan sila ng oportunidad upang makapag-aral sa programa na ibinigay ng BARMM TESD at sa walang sawang serbisyo ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi.