Unang Study Circle para sa taong 2023 matagumpay na isinagawa

Bago magtapos ang buwan ng Enero ay isinagawa ang Study Circle para sa mga empleyado ng MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office na matatagpuan sa Door #2, 3rd Floor, Ma Bldg., Corner Pansacala St., Sinsuat Ave., Cotabato City.

Ang naging paksa ng nasabing aktibidad ay patungkol sa “Self-Accountability and Self-Assessment” kung saan pinaalala ng inimbitahang speaker na si Ustadz Nasrulyaken Pagayukan ang mga responsibilidad ng isang mabuting empleyado sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga empleyado ng MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office sa mga alintuntunin na ibinahagi ng nasabing speaker. Gagamitin nila ito upang mas magampanan pa ng maayos ang kanilang serbisyo sa lahat ng mamamayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *