𝟓𝟎 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐄𝐒 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐓 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐅𝐔𝐍𝐃 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍

Nagsagawa ng Closing Program ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office sa limampung (50) iskolars sa ilalim ng 2023 Bangsamoro Scholarship Program ng TVET (BSPTVET) sa lugar ng Barangay Badja, Tipo-Tipo Municipality, Basilan Province.

Sila ay nagtapos sa kwalipikasyong Bread and Pastry Production NC II at Dressmaking NC II sa ilalim ng institusyon ng Badja Institute of Islamic Teaching Inc. at tinanggap din nila ang kani-kanilang training support fund, Ito ay naganap nito lamang January 16, 2024.

Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Mr. Yasher R. Hayudini, Scholarship Focal Mr. Muhmin J. Edrosolo at Document and Records Controller Ms. Jahra A. Asnawi Katuwang ang School President ng Badja Institute na si Ust. Abdulmajid A. Kawilil.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *