CULMINATING PARADE

Nakiisa ang MBHTE-TESD sa naganap na parada nitong Enero 26, 2024 bilang huling araw ng selebrasyon ng 5th Bangsamoro Foundation Day na ginanap sa Bongao, Tawi-Tawi. Nagsama-sama ang mga iba’t-ibang regional at national line agencies na nagpapakita ng pagbigay halaga sa anibersaryo ng Bangsamoro.

Ang MBHTE-TESD ay nagkaroon ng Graduation Ceremony at Releasing of Training Support Fund under Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET 2023.

25 Trainees ng MBHTE-TESD ang nagtapos sa kwalipikasyong Driving NCII at buong pusong ikinumpirma ito ng kanilang Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin.

Nagbigay ng mensahe ang Provincial Training Center Administrator, Sir Elmin H. Arsad sa matagumpay na pagtatapos ng mga trainees, gayundin ang Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin na nag bigay ng makabuluhang mensahe.

Nagpasalamat ang mga trainees sa gabay, pagtuturo at pag-aalaga ng MBHTE-TESD sa kanila.

#nobangsamoroleftbehind

#onebangsamoro

#tesdaabotlahat

#tesdalingapaymaasahan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *