𝐃𝐞𝐦𝐨𝐧𝐬𝐭𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞𝐤𝐞𝐞𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐂 𝐈𝐈 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐑𝐌𝐃𝐂

Ang mga trainees ng Housekeeping NC II sa Regional Manpower Development Center (RMDC) ay nagkaroon ng demonstrasyon sa pagbibigay ng serbisyo ng butler. Ito ay isa sa mga Core Competencies ng Housekeeping NC II na tumatalakay sa mga kasanayan at kaalaman na kinakailangan upang magbigay ng mga serbisyo ng butler sa isang commercial accommodation establishment. Kabilang dito ang maayos na paglipat ng mga bagahe ng panauhin sa silid, pagsusuri at pag-unpack ng mga bagahe, paglilinis ng sapatos ng panauhin, at iba pa.

Ang MBHTE-TESD RMDC ay patuloy na nagbibigay ng kalidad na edukasyon at pagsasanay para sa mamamayang Bangsamoro.

#RMDC

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *