𝐌𝐚𝐬𝐬 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐞𝐫𝐞𝐦𝐨𝐧𝐲 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

Matagumpay na isinagawa ang Mass Graduation Ceremony sa pangunguna ng Provincial Director ng Ahensiya na si Asnawi L. Bato kung saan nagtapos ang 200 Trainees sa ilalim ng BSPTVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro sa kwalipikasyong

Bread and Pastry Production NCII, Plumbing NCII, Computer System and Servicing NCII, Electrical Installation and Maintenance NCII ngayon araw ika-17 ng Nobyembre 2023.

Sa parehong araw ay binigay din ang Training Support Fund ng nagsipagtapos na tagapagsanay. Labis na pasasalamat ang kanilang ipinahayag sa pagkakataong magkaroon ng kalidad na kasanayan at kaalaman na kanilang magagamit sa pagsisimula ng negosyo o trabaho.

Patuloy na ginagawa ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurado maihatid ang kalidad na kasanayan para sa lahat ng mamamayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

#LDS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *