𝐑𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐅𝐮𝐧𝐝 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

Tinanggap ng mga trainees ang kanilang training support fund ngayong araw ika-24 ng Nobyembre 2023 sa ahensiya ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office. Ito ay naganap mismo sa lobby ng nasabing ahensiya.

Sila ay nagsipagtapos ng Agricultural Crops NCIII. Lubos naman ang kanilang pasasalamat dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makapagsanay at makapagtapos. Naniniwala sila na magagamit nila ito at makakatulong ito sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Patuloy ang paghahatid ng serbisyo ng opisina ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office upang masigurong matatanggap ng bawat trainees ang kanilang mga benepisyo.

#oneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *