𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘:

Hirap man sa buhay ay hindi nawalang ng pag-asa si Aripen Pangabangan na makatulong upang mapabuti ang estado ng kanilang pamumuhay.

Sa panghihikayat ng kanilang commander ay napagpasyahan niyang mag-enroll sa TESDA para magkaroon ng skills at kaalaman na pwede niyang gamitin sa paghahanap ng trabaho.

Nag-enroll sa kursong Backhoe Loading NCII si Aripen noong makapunta ang TESDA BARMM at VMC Asian College Foundation sa kanilang lugar. Naging maganda ang pag sasanay ni Aripen dahil madaling maunawaan at praktikal ang pagtuturo ng kanilang trainer.

Hindi kalaunan ay naging isang backhoe loader siya at natanggap na magtrabaho sa isang construction firm. Maliban sa pagkakaroon ng income ay masaya siya sa kaniyang trabaho.

Nagpapasalamat si Aripen sa TESDA BARMM at VMC Asian College Foundation Inc. para sa training na kaniyang natanggap. Hinihikayat niya ang iba na subuking mag-enroll dahil malaki ang maitutulong nito sa kanilang buhay. Handa si Aripen na harapin ang mundo at makuha ang bawat opportunidad kung saan niya pwedeng magamit ang kaniyang natutunan.

#nobangsamoroleftbehind #TESDTagumpay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *