Anim (6) na sasakyan ang matagumpay na nai-turn over sa MBHTE-TESD TTI (TESD Technology Institutions)

Kahapon, ikalabing anim (16) ng Disyembre taong 2022, anim (6) na sasakyan ang matagumpay na nai-turn over sa MBHTE-TESD TTI (TESD Technology Institutions) sa CCMDC Compound, Bangsamoro Government Center sa Lungsod ng Cotabato City.

Ang nasabing mga TTI ay ang mga sumusunod; CCMDC para sa Cotabato City, PTC Maguindanao para sa probinsya ng Maguindanao, PCMDC para sa probinsya ng Lanao del Sur, PTC Tawi-Tawi para sa probinsya ng Tawi-Tawi, PTC Basilan para sa probinsya ng Basilan, at PTC Sulu para sa probinsya ng Sulu.

Ang seremonya ay pinangunahan ni MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal kasama ang Bangsamoro Director General ng TESD, Madam Ruby A. Andong.

Dinaluhan din ito nina Cotabato City Director Kalimpo M. Alim at Maguindanao Provincial Director Salehk B. Mangelen.

#CCMDC #NoBangsamoroChildLeftBehind #TESDAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *