𝐓𝐈𝐏 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐓𝐓𝐏𝐁

Isinagawa ang Training Induction Program sa Provincial Capitol ng Buluan, Maguindanao noong April 25, 2023 para sa mga Trainees sa ilalim ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro.

Ang mga nasabing Trainees ay magsasanay ng Driving NC II at Electrical Installation and Maintenance NC II sa TVI ng Goldtown Technological Institute, Inc. Ilan sa mga benepisyong matatanggap ng mga Trainees ay libreng training, libreng assessment, VTT o Values Transformation Training at Training Support Fund allowance pagkatapos ng training.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre na kanilang magagamit upang magkaroon ng trabaho o maliit na negosyo.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *