𝐓𝐈𝐏 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟐𝟓 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬

Sa layuning maibahagi ang kahalagahan ng pag-aaral sa pagsasanay para sa mga benepisyaro ng Brgy. Kapinpilan, Midsayap, SGA, BARMM ay isinagawa ang Training Induction Program para sa 25 Trainees na kabilang sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro.

Layunin nitong ipaalam sa mga trainees ang nilalaman ng programang ito at magiging responsibilidad nila bilang isang Trainees. Ang mga nasabing Trainees ay magsasanay ng Agricultural Crops Production NCII sa TVI ng Kadayangan Academy, Inc.

Pinangunahan din ng nasabing programa na si Khominie Abas, Maguindanao PO Scholarship Focal Person, ang siyang nagbigay ng proper orientation para sa mga trainees. Dumalo rin ang dating Provincial Director na si Dr. Salik Panalunsong, Alhadj ng Department of Agriculture ARMM bilang pagsuporta sa programa

Nagpasalamat naman ang mga napabilang sa Programa na naniniwala pagkatapos ng Training ay marami silang matututunan na magagamit nila sa kanilang pag-unlad.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *