𝐓𝐈𝐏 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟓𝟎 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐑𝐂𝐄𝐅

Matagumpay na isinagawa ang Training Induction Program para sa 50 Trainees na kabilang sa programa ng RCEF o Rice Competitiveness Enhancement Fund sa Brgy. Datu Binasing, Pigcawayan, SGA katuwang ang TVI ng PGR Integrated Farm.

Ang nasabing Training Induction Program ay ginanap noong June 20, 2023, kung saan tinalakay rito ang nilalaman ng programa, ilan dito ay ang patungkol sa tamang pamamahala ng palayan upang mas maging masagana ang kanilang ani at kita.

Labis naman na pasasalamat ang nabigyan ng pagkakataong makapagsanay sa kasanayan na ito sapagkat magagamit nila ito para sila ay umasenso at mapagaling ang kanilang pagsasaka.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *