𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐈𝐌𝐀𝐌𝐏𝐔𝐍𝐆 (𝟓𝟎) 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎 𝐒𝐂𝐇𝐎𝐋𝐀𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐕𝐄𝐓.

Matagumpay na ginanap ang Training Induction ngayong hapon sa LLT Skills Training And Development Center, Inc. Bangkal, Patikul Sulu ngayong araw ng lunes ika- 25 ng Marso taong 2024.

Limangpung (50) trainees ang dumalo sa nasabing programa NA sasailalim sa pagsasanay sa Electrical Installation at Maintenance NC II at Shielded Metal Arc Welding NCIII sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET.

Kalakip din ng nabanggit na programa ang tatlong araw na training ng Values Transformation na pangungunahan ng Bangsamoro Development Agency at ng Mandatory National Assessment ng mga nakapagtapos ng naturang skills training.

Pinangunahan din ng Officer-In-Charge ng TESD Sulu Provincial Office ang nasabing Programa kasama ang staff ng nasabing institution.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *