𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝟏𝟓𝟖 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬 𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦
Matagumpay ang ginanap na Training Induction Program sa sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program – Tulong ng Tekbok para sa pag-angat ng Bangsamoro o BSP-TTPB kahapon ika – 3 ng Mayo, 2023 PLTPC, Tanjung Indanan, Sulu
Ang mga napiling iskolars na dumaan sa masusing pagsasala sa pagitan ng MBHTE- TESD Provincial office ng Sulu at Provincial Livelihood Training and Productivity Center. Magsasanay sila sa ibat iabng kwalipikasyon tulad ng Cookery NC II, Computer System servicng NC II, Dressmaking NC II, Plumbing NC II, at Electrical Installation and Maintenance NC II.
Kabilang sa mga ito ang magsasanay sa Driving NC II na katuwang ng Provincial Livelihood Training and Productivity Center ang Rabah Learning Skills Center, Inc. na kamakailan ay nagkaroon nag kasunduan sa implementation ng Driving NC II sa PLTPC kasama ang Provincial Training Center ng Sulu.
Maliban sa libring training ng nabanggit na kwalipikasyon nakatakda din sumailalim sa Values transformation Training na pangungunahan naman ng kaagapay ng MBHTE-TESD ang Bangsamoro Development Agency o BDA at mandatory assessment pagkatapos ng pagsasanay sa napiling kwalipikasyon.
Pinangunahan ng Provincial Director ng PLTPC at MBHTE-TESD Sulu Scholarship Focal ang nasabing programa. Kasama ang mga personnel ng nabanggit na Training Institution at Administrator ng Rabah Learning Skills Center.
Dumado din ang Provincial Governor ng Sulu para ipahayag ang lubos na Suporta niya sa mga iskolars nais mabago ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagkuha ng kasanayan na makatutulong para makapaghanap buhay o mabigyan ng trabaho.