Graduation Ceremony isinagawa sa Gymnasium, Languyan, Tawi-Tawi.

Isinagawa ang Graduation Ceremony sa ilalim ng Private Education Student Financial Assistance, nitong April 30, 2023.

24 Trainees ng PV Installation NC II, ang kabilang sa mga graduates. Ang pagtitipon na ito ay iginanap upang maisakatuparan ang pagtatapos ng mga trainees na ikinumpirma nang Provincial Director, PD Maryam S. Nuruddin.

kabilang na din dito ang pagbibigay ng kanilang mga sertipiko at Training Support Fund (TSF).

Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng MBHTE-TESD PO Tawi-Tawi Staff at katuwang sa Technical Vocational Institute administrators at trainers.

Bilang pagtatapos ng programa, nagpapasalamat ang mga trainees na sila’y naging parte ng MBHTE-TESD Program at may layuning maisakatuparan ang kanilang mga kaalaman sa tunay na buhay at maging sa pangkabuhayan.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *