Graduation Ceremony isinagawa sa Gymnasium, Bakong Simunul, Tawi-Tawi.

Isinagawa ang Graduation Ceremony sa ilalim ng Private Education Student Financial Assistance, nitong May 03, 2023.

16 Trainees ng MBHTE-TESD sa kwalipikasyong Computer Systems Servicing NC II ang kabilang sa mga graduates.

Ang pagtitipon na ito ay iginanap upang maisakatuparan ang pagtatapos ng mga trainees na ikinumpirma nang Provincial Director, PD Maryam S. Nuruddin.

kabilang na din dito ang pagbibigay ng kanilang mga sertipiko at Training Support Fund (TSF).

Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng MBHTE-TESD Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin, MBHTE-TESD PO Tawi-Tawi Staff at katuwang ang Technical Vocational Institute administrators at trainers.

Bilang pagtatapos ng programa, nagpapasalamat ang mga trainees na sila’y naging parte ng MBHTE-TESD Program at may layuning maisakatuparan ang kanilang mga kaalaman sa tunay na buhay at maging sa pangkabuhayan.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *