𝐘𝐞𝐚𝐫-𝐄𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐚𝐦 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧

Sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman katuwang ang lahat ng mga empleyado ng TESD Basilan matagumpay nilang isinagawa ang kanilang Year-End Assessment Meeting and Team Building nito lamang Disyembre 29, 2023 sa MBHTE-TESD Bldg, BGC, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan Province.

Isa sa mga naging highlights ng araw na ito ang pagsasagawa ng Study Circle na kung saan inimbitahan nila si Ust. Suwaib ng Bangsamoro Development Authority (BDA).

Nagkaroon din sila ng Team Building na kung saan may mga group games at individual games tulad na lamang ng Lava Game, Action Relay and Guess the Number. Lahat ay nagsiuwing masaya dahil sila ay nakatanggap ng prizes bilang pabuya at pasasalamat na rin sa kanilang dedikasyon sa tapat na serbisyo.

#nobangsamoroleftbehind

#OneMBHTE

#tesdbasilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *