𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗜𝗺𝗺𝗲𝗿𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗜𝗻𝘀𝘁𝗮𝗹𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗶𝗻𝘁𝗲𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗡𝗖 𝗜𝗜 (𝗘𝗜𝗠) 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗣𝗧𝗖 – 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻

September 5, 2023 – Matagumpay na nagtapos ang Industry Immersion ng PTC – Basilan trainers sa kwalikipasyon ng Electrical Installation and Maintenance NC II (EIM) na ginanap sa pasilidad ng Basilan Electric Cooperative Inc. (BASELCO). Ito ay alinsunod sa nilagdaang kasunduan o MOA ng dalawang industriya noong Agosto 29, 2023.

Kabilang sa mga tagapagsanay ay sina Mr. Arthuro G. Ramos at Mr. Rolly J. Hatamun. Isinagawa ang nasabing imersyon upang mapahusay at mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan nang maibahagi ito sa mga nagsasanay o trainees alinsunod narin ito sa direktibang sumailalim sa immersion ng 60 hours ang mga trainers.

Ang matagumpay na pagtatapos ng imersyon ay nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang para sa maunlad na PTC-Basilan at ang pangako nito sa pagbibigay ng mataas na kalidad na edukasyon sa larangan ng Electrical Installation and Maintenance NC II at iba pang kwalipikasyon.

#NoBangsamoroLeftBehind

#PTCBasilanServesYouBetter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *