𝟏𝐬𝐭 𝐄𝐯𝐞𝐫 𝐁𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐎𝐟 𝐄-𝐂𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐞𝐬 𝐢𝐧 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌, 𝐑𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐈𝐧 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞

Matapos pumasa sa kanilang assessment sa Housekeeping NC II, masayang tinanggap ng sampung (10) TESD iskolars ang kani-kanilang mga Electronic Certificates (E-Certificates) sa assessment center na Regional Manpower Development Center (RMDC), Brgy. Rebuken, Sultan Kudarat, BARMM ngayong araw September 9, 2023.

Ito ay naging posible dahil sa koordinasyon sa pagitan ng MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office Competency and Assessment Certification (CAC) Focal na si Rafsanjaneeh M. Sinsuat at ng RMDC Processing Officer na si Leomar F. Montehermoso.

Ito ay naka-angkla sa TESDA Circular Number 026 Series of 2023.

Patuloy ang pag-oorganisa ng Maguindanao Provincial Office sa iba pa nitong mga assessment centers sa probinsya upang madagdagan pa ang bilang ng mga TESD iskolars na makakakuha ng kani-kanilang mga E-Certificates sa hinaharap.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *