𝟑𝐫𝐝 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐅𝐨𝐫𝐮𝐦 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

Upang mas maiangat pa ang kalidad ng serbisyo sa paghahatid ng kasanayan ay isinagawa ang 3rd TVET Forum para sa mga Technical Vocational Institutes na kabilang sa MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office.

Isinagawa ang nasabing programa noong May 12, 2023 sa Cotabato City kung saan pinangunahan ng iba’t ibang focals ang pagbibigay impormasyon sa mga kalahok upang mas mapabuti nila ang implementasyon ng TVET.

Agad namang nasolusyonan ang mga suliranin na itinalakay. Patuloy na ginagawa ng opisina ang lahat ng kanilang makakaya upang masigurong kalidad na edukasyon at kasanayan ang maibibigay.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *