𝟓𝟎 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐄𝐒 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐍𝐆 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐓𝐓𝐏𝐁 𝟐𝟎𝟐𝟑

Isinagawa ang Graduation Ceremony sa may 50 trainees na nakapagtapos ng Agricultural Crops NCIII sa may Mamitua Saber, MSU, Marawi City ngayon araw Ika-21 ng Marso 2024.

Ang mga nagsipagtapos ay kabilang sa BSPTVET TTPB o Tulong ng Tekbok Tungo sa Pag-angat ng Bangsamoro na kung saan nagkaroon sila ng libreng kasanayan, libreng assessment at Training Support Fund na ipinamahagi sa parehong lugar.

Ang nasabing Pagtatapos ay sa kolaborasyon ng Opisina ni MP Diamila Disimban-Ramos at ng MBHTE TESD LDS Provinicial Office sa pamumuno ni Director Asnawi L. Bato.

Labis na pasasalamat ang ipinakita ng mga nagsipagtapos sapagkat nagkaroon sila ng panibagong kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit para sa sa ikauunlad ng kanilang komunidad.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#onembhte

#LDS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *