𝟕𝟓 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐈𝐏 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓

Sa pagsisimula ng pagsasanay ng mga Trainees ay isinagawa ang Training Induction Program noong April 27, 2023 sa Kiag, Manarapan, Carmen, North Cotabato upang mabigyang kaalaman ang mga kabilang na benepisyaryo sa programa ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro.

Ang mga nasabing Trainees ay magsasanay sa TVI ng Kapalawan Institute Of Technology Inc. Ilan sa kanila ay magsasanay ng Carpentry NC II (25 slots), Masonry NC II (25 slots), at Agricultural Crops Production NC II (25 slots).

Nagpahayag naman ng kahandaan at kooperasyon ang mga nasabing Trainees sa pagkakataong ibinigay sa kanila na makapagsanay ng libre.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *