185 na Decommissioned Combatants dumalo sa TIP na isinagawa sa ilalim ng STEP

Upang masimulan ang pagsasanay ng 185 na Decommissioned Combatants ay isinagawa ang Training Induction Program sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program. Ang nasabing programa ay isinagawa sa Brgy. Making, Parang, Maguindanao noong August 27,2022.

Ang mga Decommissioned Combatants ay magsasanay ng Carpentry NC II (40 slots), EIM NC II (80 slots), at Cookery NC II (65 slots). Magsasanay ang mga nasabing Trainees sa TVI ng Illana Bay Integrated Computer College, Inc.

Nagpahayag naman ng kooperasyon at pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay dahil magagamit nila ito sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #TIP #EO79 #NormalizationProgram #STEP #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *