35 na Decommissioned Combatants nakatanggap ng Tool Kits sa ilalim ng EO-79

Ipinamahagi ang starter tool kits ng 35 na Decommissioned Combatants na nagtapos ng Cookery NC II sa Brgy. Making, Parang, Maguindanao.

Ang mga ipinamahaging toolkits ay nakapaloob sa EO-79 o Normalization Program kung saan nagkaroon din sila ng libreng training, libreng assessment at training support fund allowance.

Ilan sa mga ipinamahagi sa kanila ay ang mga starter tool kits na naglalaman ng mga kagamitang makakatulong sa kanila upang magamit nila sa kanilang pangkabuhayan. Labis na pasasalamat naman ang ipinahayag ng mga trainees.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office katuwang ang Illana Bay Integrated Computer College, Inc.

#mbhtemaguindanao

#ReleasingofToolKits

#EO79

#NormalizationProgram

#nobangsamoroleftbehind

#TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *