40 na Trainees sumailalim sa Training Induction Program
Isinagawa ang Training Induction Program sa ilalim ng Food Security Program upang mas malaman pa ng mga Trainees ang kanilang mga benepisyo at tungkulin sa pagsasanay na isasagawa.
Dumayo ang MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office sa Brgy. Sampao, Rajah Buayan kasama ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform upang isagawa ang nasabing programa. Katuwang din ang dalawang TVI ng Ittihadun Nisa Foundation at VMC Asian College Foundation, Inc.
Ang mga Trainees ay magsasanay ng Pest Management NC II (20 slots) at Food Processing (20 slots). Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre.