Stakeholder’s Meeting matagumpay na isinagawa para sa mga Decommissioned Combatants

Upang maubos ang natitirang slots sa pagsasanay ng mga Decommissioned Combatants sa ilalim ng EO-79 o Normalization Program ay isinagawa ang pagpupulong noong November 14,2022 sa Cotabato City.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa. Dumalo ang mga pinuno mula sa mga TVI o Technical Vocational Institutes kasama din ang mga pinuno mula sa iba’t ibang base command at mga miyembro ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity.

Nagsilbing daan ang nasabing pagpupulong upang matukoy ang iba pang mga Decommissioned Combatants na hindi pa nakapagsanay upang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng libre at kalidad na kasanayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *