90 na Decommissioned Combatants na kabilang sa STEP sumailalim sa TIP

Isinagawa ang Training Induction Program ng 90 na Decommissioned Combatants na kabilang sa STEP o Special Training for Employment Program. Sila ay magkakaron ng libreng training, libreng assessment, TSF allowance at Tool kits na kanilang magagamit sa pagtatrabaho o pagnenegosyo.

20 sa mga Decommissioned Combatants ay magsasanay ng Bread and Pastry Production NC II at 50 sa Dressmaking NC II sa Eastern Kutawato Islamic Institute, Inc., samantalang 20 naman ang magsasanay ng EIM NC II sa Goldtown Technological Institute.

Ang nasabing programa ay isinagawa sa Layog, Pagalungan, Maguindanao. Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nakabilang sa programa. Nagkaroon sila ng pag-asang mas maging maunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng kalidad na kasanayan na kanilang matututunan sa pagsasanay.

#mbhtemaguindanao #TIP #EO79 #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *