𝟔𝟓 𝐁𝐚𝐠𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠 𝐁𝐞𝐧𝐞𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐙𝐞𝐫𝐨, 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐍𝐠 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠

Pinatunayan ng animnapu’t limang (65) trainees mula sa Barangay Kusiong, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, BARMM na kaya nilang lampasan ang pagsubok at pinsalang kanilang dinanas mula sa Bagyong Paeng na tumama sa kanila noong October 29, 2022 sa kanilang pagtatapos sa kanilang skills training ngayong araw.

Matatandaang idineklarang “Ground Zero” ang naturang barangay sa tindi ng pinsalang iniwan sa kanila ng nasabing bagyo.

Gayunpaman, masayang tinanggap ng mga TESD iskolars ang kanilang mga training certificates at scholarship allowances nitong araw, October 11, 2023 sa Kusiong Elementary School.

Sila ay nagsanay sa mga sumusunod na kwalipikasyon sa mga sumusunod na Technical Vocational Institutes (TVIs):

1. Ittihadun Nisa’ Foundation, Inc.:

a. Food Processing NC II – 20 slots

b. Dressmaking NC II – 25 slots

2. Foureych Technical Vocational and Learning Center, Inc.:

a. Cookery NC II – 20 slots

Nagpapasalamat ang mga benepisyaryo sa pagkakataong makapag – aral ng libre na siguradong magagamit nila sa muli nilang pagbangon upang mas mapabuti pa ang kanilang mga buhay pagkatapos ng bagyong Paeng.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *