Monitoring sa mga nagsasanay sa Computer System Servicing NCII Isinagawa

Ang MBHTE-TESD Lanao del Sur Provincial Office katuwang ang United Nation Development Programme (UNDP) ay nagsagawa ng monitoring sa dalawamput lima (25) Decommissioned Combatants (DC) , sa may Mascom Training and Assessment Centre Inc. nito lamang ika-lima ng Oktobre, taong 2023.

Isa ito sa mga inisyatibo ng ahensya upang subaybayan ang pagpapatupad ng iba’t ibang programa sa scholarship upang matiyak na ang mga ito ay naayon sa alituntuning itinakda ng TESDA. Ito rin ay magiging daan upang mapagtibay pa ng ahensya at ng TVIs ang kanilang pagbibigay na kalidad na serbisyo sa lahat ng mga magsasanay sa lugar ng Lanao del Sur.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#LDS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *