𝐓𝐈𝐏 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐓𝐓𝐏𝐁

45 na benepisyaryo ng libreng skills training ay sumailalim sa Training Induction Program na isinagawa sa Mindanao State University na matatagpuan sa Dalican, D.O.S., Maguindanao noong April 28, 2023.

Ang nasabing programa ay naglalayong maipaliwanag sa mga magsasanay ang kanilang mga gagampanan upang makapasa at magkaroon ng NC II. Ang mga Trainees ay magsasanay ng Agricultural Crops Production NC II sa TVI ng Upi Agricultural School at Electrical Installation and Maintenance NC II sa TVI ng Ebrahim Institute of Technology, Inc.

Ang libreng kasanayan ay isa lamang sa mga benepisyong matatanggap ng Trainees sa BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro. Magkakaroon din sila ng libreng assessment at VTT o Values Transformation Training.

Nagpahayag ng kahandaan at pasasalamat ang nga nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng libreng kasanayan at kaalaman na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *