𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥 𝐋𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐜𝐲 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠
Sumailalim sa apat na araw na Digital Literacy Training ang ilang empleyado ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, na isinagawa sa DICT Provincial Office, Marawi City Hall, Bo. Fort, Marawi City, mula June 6-9, 2023.
Layunin ng pagsasanay na ito na maturuan ang mga empleyadong may kaunting kaalaman sa mga tuntunin ng computer literacy, tamang paggamit ng makabagong teknolohiya at mga digital apps o software kagaya ng Microsoft Word, Powerpoint at Excel, pati na ang troubleshooting, na maaari nilang gamitin sa trabaho. Sa pamamagitan din nito sila ay magkaroon ng kamalayan tungo sa mas ligtas at responsableng paggamit ng digital media.
Lubos ang pasasalamat ng mga empleyado ng PCMDC sa pagsasanay na ito at umaasa sa mga susunod na pagsasanay.