Alam niyo ba na muli nang tumatanggap ng Program Registration ang MBHTE-TESD COTABATO CITY DISTRICT OFFICE?

Ang Cotabato City District Office o mas kilala bilang CCDO ay muli nang sasabak sa operasyon. Kamakailan lamang ay nagkaroon na ng pagpupulong ang CCDO TVI’s at CCDO HEAD na si Ginoong Kalimpo M. Alim kung saan tinalakay ang iba’t-ibang usapin tungkol sa tamang pamamalakad ng isang paaralan.

Sa katunayan, mayroon nang iilang TVI (Technical Vocational Institutions) ang nagsumite na ng kanilang Application for Program Registration o aplikasyon para sa pagpaparehistro ng kanilang mga programang inaalok sa kanilang paaralan o tarining centers.

Nagsimula na ring magsagawa ng Ocular Inspection sa ilang TVI’s ang CCDO team sa tulong at gabay ng Maguindanao Provincial Office sa pamumuno ni Sir Salehk B. Mangelen.

Ang Cotabato City District Office ay naniniwalang mas uunlad pa ang mga programa at serbisyo nito para sa mamamayang Bangsamoro.

#GanapSaCCDO

#MBHTETESD

#CCDOBARMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *