COMMUNICATION AND ENGAGEMENT STRATEGY 2024 NG MINISTRY OF BASIC, HIGHER TECHNICAL EDUCATION MATAGUMAPAY IDINAOS

Mga kawani ng gobyerno na tumatayong Information Officers sa Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE), binigyang pagkakataon ng programang Pathways at ng Information and Communication Division (ICD) ng MBHTE upang mas lalong mapahusay ang kalidad sa pagdadala ng mga impormasyon patungkol sa mga progragramang pang-edukasyon para sa Bangsamoro.

Ang tatlong araw na workshop noong Pebrero 26 – 28, 2024 ay naglalayong mapatibay ang tiwala ng publiko sa mga programa ng MBHTE at maipaabot sa mas nakararami ang mga serbisyong maaari nilang matamasa sa tulong ng mabisang communication approach.

Binigyang importansya ni MBHTE Minister Mohager Iqbal ang mabisang komunikasyon upang mas mapaigting at mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga kapwang Bangsamoro sa mga serbisyong pang-edukasyon.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *