Graduation Ceremony para sa mga nagtapos ng BSPTVET-TTPB isinagawa ng MBHTE TESD Tawi-Tawi.

Nagdaos ng graduation ceremony para sa 48 trainees na nagtapos sa ilalim ng BSPTVET-TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET – Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro ang MBHTE TESD Tawi-Tawi nitong Oktubre ika-8, 2023 na ginanap sa Languyan, Tawi-Tawi.

Ang nasabing mga trainees ay nakapagtapos sa mga kwalipikasyon ng Dressmaking NC II at Cookery NC II Ang mga graduates ay nakatanggap ng kani-kanilang Sertipiko at Training Support Fund (allowances).

Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng MBHTE-TESD Provincial Director, Dr. Maryam S. Nuruddin, MBHTE-TESD PO Tawi-Tawi Staff at katuwang ang Technical Vocational Institution trainers. Bilang pagtatapos ng programa, nagpapasalamat ang mga trainees na sila’y nabigyan ng oportunidad nakapag-aral sa training program ng MBHTE-TESD BARMM.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#ganapsatawi-tawi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *