Kauna-unahang TIP isinagawa sa Mahad Mukhtar Liddirasatil Islamiyyati, Inc.
Isa na namang makasaysayang pangyayari sa larangan ng Technical Vocational Education and Training sa probinsya ng Basilan ang naganap kahapon Disyembre 5, 2022 sa munisipyo ng Sumisip, Basilan.
Sapagkat ang kauna-unahang Training Induction Program sa ilalim ng BSPTVET Food Security Convergence Program ay isinagawa sa Mahad Mukhtar Liddirasatil Islamiyyati, Inc. na siyang pinakabagong katuwang ng MBHTE-TESD Basilan sa paglalaganap ng TechVoc Education sa lalawigan.
Ang mapalad na dalawampuโt limang (25) trainees ay sasailalim sa pagsasanay ng kwalipikasyong Shielded Metal Arc Welding NC II o mas kilala bilang SMAW NC II sa loob ng tatlumpuโt limang (35) araw.
Naging matagumpay ang nasabing TIP sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Yasher R. Hayudini katuwang ang School President ng Maโhad na si Gng. Romy H. Kabak, Punong Barangay na si Gng. Omar B. Kabak at Customer Satisfaction Focal ng MBHTE-TESD na si Gng. Muhmin J. Edrosolo.