TIP para sa 45 na Decommissioned Combatants matagumpay na isinagawa

Sa pagsisimula ng pagsasanay ng mga Decommissioned Combatants sa ilalim ng STEP o Special Training for Employment Program ay isinagawa ang Training Induction Program sa Iranun Provincial Committee Office, Sitio Tubaan, Barangay Gumagadong-Kalawag, Parang, Maguindanao.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office ang nasabing programa katuwang ang TVI ng Ittihadun Nisah Foundation Organization, Inc. na magsasanay ng Cookery NC II(20 slots) at Dressmaking NC II(25 slots).

Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo at nagpahayag ng kooperasyon upang magkaroon ng kalidad na kasanayan.

#mbhtemaguindanao #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *