Masayang nagtapos ang mga Decommissioned Combatants mula sa EO79 Scholarship Program (Special Training for Employment Program 2021)

Maliban sa kanilang training certificates natanggap din nila ang kanilang Training Support Fund (TSF) o Allowance at Starter Toolkits. Pinangunahan ni Provincial Director Asnawi L. Bato ang Graduation Ceremony kasama si MP Basit “Jannati” Mimbantas at PCMDC Administrator Insanoray A. Macapaar.

Labis naman ang pasasalamat ng mga skolar sa kanilang mga natanggap at natutunan sa kwalipikasyong Tile Setting na kanilang magagamit sa paghahanap ng trabaho.Ang graduation at releasing ng allowance at toolkits ay naganap sa Alim Abdul Azis Mimbantas Memorial Cebter, Sandab, Butig, Lanao del Sur.

Kabilang sa programa ang pagbibigay ng video message ng OPPAP representative na si Atty. Laisa Alamia, Chairperson ng GPH, Task force for decommissioned combatants and their communities, na bumabati sa mga nagsipagtapos ng Skills Training sa TESD at umaasang magagamit nila ito sa kanilang pamumuhay.

#TESDLDSPO #DecommissionedCombatants #OPPAP #TESDLDSABOTLAHAT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *