Masayang tinanggap ng buong staff ng PTC-Basilan ang pagbisita ng dating Chairman ng MILF-GPH Peace panel (MILF counterpart) na ngayon ay Member of Parliament at Minister ng Ministry on Basic Higher and Technical Education or MBHTE na si sir Mohagher Iqbal

Masayang tinanggap ng buong staff ng PTC-Basilan ang pagbisita ng dating Chairman ng MILF-GPH Peace panel (MILF counterpart) na ngayon ay Member of Parliament at Minister ng Ministry on Basic Higher and Technical Education or MBHTE na si sir Mohagher Iqbal. Unang pinuntahan ng butihing Minister ang Calang Canas kung saan itatayo ang bagong 32-Million na Training Center.

Sa kanyang talumpati ay nagbigay ng suporta ang minister sa layuning mapaunlad ang buong komunidad nito kasama na ang pagtayo ng isang 2- storey Dormitory para sa mga trainees ng MBHTE-TESD na manggagaling pa sa mga malalayong Island Municipalities at barangays Katulad ng Tabuan Lasa, Muhammad Ajul, Tamuk, at sumisip.

Sinuportahan din ng minister ang muling pagbubukas ng High School Classes at pagtayo ng Highschool Building dito.

Matapos ang field visit sa kaparehong araw ay dumiretso sa PTC-Basilan office ang Buong convoy ng minister kung saan, personal na pinasalamatan ng Center Administrator na si sir Allan Pisingan ang butihing minister sa kanyang mga proyekto sa Basilan.

Kasama ng Minister ang kanyang Bangsamoro Director General para sa TESD na si Engr. Ruby Andong, PD Muida S. Hataman, PO ng Basilan, ASEC ng Basic Education na si Sir Pajiji, Member ng Parliament na si MP Musbir Alauddin at mga regional staff galing sa Supply at Finance Division ng Regional Office. I

#TESDAAbotLahat #nobangsamoroleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *