MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG MGA SEAWEED FARMERS AT MBHTE TESD TAWI-TAWI PROVINCIAL OFFICE MATAGUMPAY NA NILAGDAAN
MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Office at MALASSA (Tengol-Tengol) Seaweeds Farmers Association nagkaroon ng Memorandum of Agreement upang pag-husayin ang mga kakayahan ng mga seaweed farmers sa Barangay Malassa Bongao, Tawi-Tawi. Kaakibat ng nasabing agreement ang pagbibigay ng skills training sa Seaweeds Production NC II sa nasabing asosasyon ngayong taon 2024.
Isa si MBHTE-TESD Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin sa mga nagnanais hasain pa ang mga kakayanan ng mga seaweed farmers ng Tawi-Tawi upang maingat ang kalidad ng mga seaweeds product na nanggagaling sa probinsya. Bilang kinatawan ng asosasyon, maluwag ang loob ni President Minna D. Bakki na makipag-partner sa MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Office.
Ang nasabing partnership ay matagumpay na naisagawa sa tulong ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) – BARMM, Barangay LGU ng Malassa, Dastala Bakki, at MBHTE-TESD Provincial Training Center.