Naging matagumpay ang paglagda ng MOA o Memorandum of Agreement sa pagitan ng MBHTE-TESD PCMDC at ng The Fraternal Order of Eagles Philippine Eagle – BARMM IV.

TINGNAN: Naging matagumpay ang paglagda ng MOA o Memorandum of Agreement sa pagitan nina MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar, at ni Fraternal Order of Eagles Philippine Eagle – BARMM IV Regional Governor Amiladen M. Abdulmadid, ngayong araw.

Isa sa mga nakapaloob sa MOA ay magbibigay donasyon ang BARMM IV ng consumables na gagamitin ng mga trainees ng MBHTE-TESD PCMDC sa kanilang Competency Assessment.

Ang BARMM IV ay isa sa mga rehiyon ng Fraternal Order of Eagles na may labing isa (11) na clubs sa loob ng Lanao del Sur.

Ang pakikipagsosyo sa iba’t ibang ahensya ang isa sa mga layunin ni Chief Macapaar upang sa gayon ay lalo pang mapalakawak ang pagbibigay ng kalidad na skills training.

#GanapSaPCMDC #MOA #TESDAAbotLahat #NoBangsamoroLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *