Nagsagawa ng Industry Forum and Signing of Memorandum of Agreement ang MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Office sa limang Hotels and Restaurants.
Nagpapasalamat ang Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin dahil sila’y nakipag-MOA sa MBHTE-TESD Provincial Office upang mas ma itaguyod ang pagsasanay sa kasanayan sa ating lalawigan at pagpapahusay ng kalidad ng pagsasanay ng ating mga tagapagsanay at tagasuri.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng kanilang guest Mohammad Nur A. Tidal, TVET President Association, at limang bagong Partners mula sa Bihing Tahik Resort, Almari Beach Resort,Mayan Hotel, Rachel’s Place Hotel and Restaurant at Beachside Inn Hotel and Restaurant.
Laking pasasalamat ni Provincial Director sa mga dumalo sila’y bagong katuwang upang mas lalo mahasa ang kanyang trainers at assessors sa pamamaraan ng mga limang Hotels at Restaurants.