Patuloy pa rin sa pagsasagawa ng Training Induction Program ang opisina ng MBHTE-TESD Maguindanao Provincial Office sa pangunguna ni Provincial Director Salehk Mangelen at ng Ministry of Indigenous People’s Affairs (MIPA).

Dinaluhan ng (65) na partisipante ang nasabing programa. Ito ay matagumpay na ginanap sa paaralan ng Upi Agricultural School at Colegio De Upi sa Barangay Mirab, Upi, Maguindanao noong nakaraang Oktubre 12, 2021.

Sasailalim sa ORGANIC AGRICULTURAL PRODUCTION at SHIELDED METAL ARC WELDING (SMAW NC II) ang mga partisipante.

Makikita ang galak, saya at pag-asa sa mga mukha ng dumalo habang isinasagawa ang nasabing TIP. Naway magiging isa ang TESD sa daan upang maabot nila ang kanilang pangarap at makaahon sa kahirapan.

Source: https://www.facebook.com/MBHTETESDBARMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *