Releasing of Tool Kits at Pamimigay ng Training Support Fund matagumpay na isinagawa sa ilalim ng BSPTVET

Sa pagtatapos ng pagsasanay ng 45 Trainees ay ipinamahagi ang kanilang mga tool kits sa Kapatagan at Marogong Lanao del Sur Kahapon Ika 24 ng Mayo 2023.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office ang nasabing pamamahagi .

20 Trainees ang nagtapos ng Carpentry NC II ng Hope Health Care Institute Inc. at 25 naman ang nakapagsanay ng Bread and Pastry Production NC II sa parehong TVI’s .

Sa kaparehong Araw binigay din ng Nasabing Ahensiya ang Training Support fund ang 25 trainees na nagsipagtapos ng Shielded Metal Arc Weilding ng Wao Institute of Technology Inc.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nakatanggap ng kanilang tool kits at Training Support fund na kanilang magagamit sa paghasa ng kanilang kasanayan at kabuhayan.

#nobangsamorolearnerleftbehind

#TESDAAbotLahat

#OneMBHTE

#TESDLDS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *