Releasing of Tool Kits isinagawa para sa mga Decommissioned Combatants sa ilalim ng EO-79

Ipinamahagi ang tool kits ng mga Decommissioned Combatants na kabilang sa EO-79 o Normalization Program.

Isinagawa ang pamamahagi sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao noong July 25,2022 kung saan 60 na Decommissioned Combatants naman ang nabigyan ng Tool Kits na nagtapos ng Carpentry NC II sa Awang Technical Vocational Institute, Inc., 20 naman ang nabigyan mula sa Lamalan Balis Flash Image Learning Center na nagtapos din ng Carpentry NC II at 20 mula sa TVI ng Farasan Institute of Technology, Inc. na nagtapos ng Bread Making.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga nagtapos sa kanilang pagsasanay sapagkat hindi lamang sila nagkaroon ng kalidad na kaalaman, nakatanggap din sila ng karagdagang kagamitan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #ReleasingofToolKits #EO79 #NormalizationProgram #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *