Releasing of Training Support Fund matagumpay na isinagawa Under BSPTVET TTPB 2022

Tinanggap ng mga Trainees ang kanilang Training support fund ngayon araw ika 4 ng Hulyo 2023 sa ahensiya ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office ito ay naganap mismo sa lobby ng nasabing ahensiya.

Sila ay nagsipagtapos ng Dressmaking NCII lubos naman ang kanilang pasasalamat at sila ay nabigyan ng pagkakataon na makapagsanay at makapagtapos kung saan naniniwala sila na magagamit nila ito at makakatulong sa kanilang araw araw na pamumuhay.

Patuloy ang paghahatid ng serbisyo ng opisina ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office upang masigurong matatangap ng bawat trainees ang kanilang mga benepisyo.

#GanapSaLDS

#Releasingofallowance

#nobangsamorlearnerleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *