TIP matagumpay na isinagawa sa ilalim ng BSPTVET

Upang simulan ang pagsasanay tungkol sa Bread and Pastry Production NC II sa TVI ng Ittihadun Nisa Foundation ay isinagawa ang kanilang Training Induction Program sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Ang mga magsasanay ay kabilang sa programa ng BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan magkakaroon sila ng libreng kasanayan, libreng assessment, TSF allowance at VTT.

24 na Trainees na nagmula sa SWC o Social Welfare Committee ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng kalidad na kasanayan na kanilang magagamit sa pag-unlad ng kanilang kabuhayan.

#mbhtemaguindanao #TIP #BSPTVET #nobangsamoroleftbehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *