Training Induction Program sa ilalim ng BSPTVET, matagumpay na isinagawa

Isinagawa ang TIP para sa dalawampung (20) scholars na kabilang sa programa ng BSPTVET o Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET, October 7, 2022. Kung saan sila ay magkakaroon ng libre at kalidad na Tile Setting skills training, tatlong-araw na Values Transformation Training (VTT), at training support fund o allowance.

Pinangunahan ni Nashmer A. Bantuas, Scholarship Focal ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, ang nasabing programa.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga kabilang sa nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre at kalidad na edukasyon. Patuloy ang paghatid ng walang sawang serbisyo ang opisina ng PCMDC upang mas mapalawak pa ang sakop ng pagbibigay ng kalidad na kasanayan.

#GanapSaPCMDC #BSPTVET #TIP #TESDAAbotLahat #NoBangsamoroLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *