𝗧𝗘𝗦𝗗 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗵𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗣𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗦𝘂𝗺𝗺𝗶𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟯

Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office ay lumahok sa Person with Disability Summit 2023 ng City Government of Isabela sa pamumuno ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman katuwang ang 45 barangays ng lungsod.

Ang PWD Summit 2023 ay isinagawa upang pasiglahin ang kamalayan ng publiko sa mga problema ng kapansanan at hikayatin ang bawat mamamayan na magkaroon ng aktibong responsibilidad sa pag-angat ng kalagayang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga taong may Kapansanan sa Lipunan.

Naging parte ang ahensya sa nasabing programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad sa mga PWD na makapasok sa mga skills training na mayroon sa lungsod. Sila rin ay nagbahagi ng mga flyers at brochures na makakatulong sa kanila upang mas malaman pa ang mga serbisyong inihahatid ng TESDA.

Ito ay isinagawa noong Hulyo 26, 2023 sa Menzi Multi-Purpose Hall, Brgy. Menzi, Isabela City, Basilan Province.

#tesdbasilan

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *